Inanunsyo ng Department of Transportation (DOTr) na kabuuang 351,592 na pasahero ang nakinabang sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) noong Mayo 20, 2022, Biyernes, sa ilalim ng kanilang libreng sakay program.

Sa paabiso ng DOTr-MRT-3 nitong Sabado, ito na ang pinakamataas na bilang ng mga pasahero ng kanilang tren sa loob ng isang araw, simula nang magbalik-operasyon ang linya noong Hunyo 1, 2020.

Binanggit pa na resulta ito nang pagpapatupad nila ng libreng sakay at pagpapatakbo ng mas maraming train sets, na binubuo ng 19 3-car CKD train sets, at apat na 4-car CKD train sets sa mainline tuwing operational hours.

Ang bawat train car ay kayang magsakay ng 394 na pasahero. Ang isang 3-car CKD train set ay nakapagsasakay ng hanggang 1,182 na pasahero at ang 4-car CKD train set ay kayang magsakay ng hanggang 1,576 na pasahero.

Metro

QC gov’t, sinuspinde F2F classes hanggang SHS, gov’t work sa Jan. 13 dahil sa rally ng INC

Matatandaan na nasa 250,000 hanggang 300,000 pasahero ang sumasakay sa MRT-3 kada araw bago magsimula ang pandemya noong Marso 2020.