Kaugnay ng kaniyang kondisyon at update sa kalusugan, ipinagbilin na raw ni Queen of All Media Kris Aquino ang kaniyang mga anak na si Josh at Bimby sa kaniyang mga kapatid, ayon sa impormante ni Cristy Fermin.

Sa latest episode ng entertainment niyang 'Showbiz Now Na', isa sa mga tinalakay nina Cristy, Romel Chika, at Morly Alinio ang mga binanggit na sakit ni Kris sa kaniyang Instagram post update.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/16/kris-may-rebelasyon-sa-kaniyang-sakit-we-found-out-life-threatening-na-yung-illness-ko/">https://balita.net.ph/2022/05/16/kris-may-rebelasyon-sa-kaniyang-sakit-we-found-out-life-threatening-na-yung-illness-ko/

Nabanggit ni Cristy ang paghahabilin na umano ni Kris na alagaan ng kaniyang mga kapatid, ang kaniyang dalawang anak.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

"Ito po 'yung nakakalungkot. Kuwento rin po naman ito mula din sa kanilang pamilya, na si Kris daw, ipinagbibilin na si Josh at saka si Bimby sa kanyang mga kapatid… Kung ano man ang mangyari sa kaniya, alam ng kaniyang mga kapatid kung ano ang gagawin.”

"Ako'y naaawa kay Josh at kay Bimby kasi napakabata pa nila para mawalan ng ina kung talagang ito ay wala nang kalunasan. Lalo na si Josh, may mga special needs po si Josh," giit pa ni Cristy.

Natutuwa naman daw si Morly kay Kris dahil kahit na may sakit siya ay nagagawa nitong maghabilin at maging matapang na harapin ang mga posibleng mangyari sa kaniya.

Anyway, matatandaang sinabi ni Kris na huwag naman daw sanang madaliin ng bashers ang kaniyang kamatayan dahil hindi pa siya patay, at patuloy siyang lalaban para sa kaniyang mga anak.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/16/kris-kinontra-ang-chikang-nag-agaw-buhay-na-siya-masyado-kayong-advanced-im-going-to-fight/">https://balita.net.ph/2022/05/16/kris-kinontra-ang-chikang-nag-agaw-buhay-na-siya-masyado-kayong-advanced-im-going-to-fight/

&t=6s