Hindi na dapat gawin ang pagsasara ng mga hangganan ng Pilipinas sa kabila ng banta ng monkeypox.
Idinahilan niNational Task Force (NTF) against Covid-19 special adviser Dr. Teodoro “Ted” Herbosa, ang nasabing viral disease ay hindi kasing-tindi ng coronavirus disease 2019 (Covid-19).
Ang nabanggit na virus na galing sa mga hayop ay may mga sintomas katulad ng lagnat, pamamantal, pagtubo ng kulani na posibleng mauwi sa medical complications.
Paglillinawng DOH, ang monkeypox ay naihahawasa pamamagitan ng pakikisalamuha sa taong mayroon nito, hayop o kontaminadong bagay.
“Alam naman natin na hindi naman siya ganon [katulad ng] Covid-19 na nakahahawa at hindi siya bagong sakit. Alam na natin kung paano gamutin [at] kung paano ang hawaan nito. Hindi siya mystery illness kagaya noong magsimula ang Covid-19 na napilitan tayong magsara ng borders," pagbibigay-diin nito nang sumalang sa Laging Handa public briefing nitong Sabado.
“Hindi sapat o hindi tama na dapat mag close down. Magbabantay tayo at maghahanda tayo, pareho lang naman – ‘yung minimum public health measures: prevent, detect, isolate, and treat. Hindi kami magre-recommend. Ako, as an adviser, I will not recommend na mag-close ng borders just because may reported [na] 85 cases ng monkeypox," paglilinaw nito.
At sa halip ay inirekomenda ni Herbosa na paigtingin ang pagpapairal ngminimum public health standards, katulad ng pagsusuot ng tamang face mask, pagpapairal ng physical distancing at kalinisan sa sarili.
Charie Mae Abarca