Wagi sa kamakailang Gawad Tanglaw ang Kapamilya actor na si Enchong Dee.

Ibinahagi ng aktor ang kanyang pagkapanalo sa isang Instagram post, Sabado.

Natanggap ni Enchong ang “Jury Award for Film Acting Excellence” sa kanyang natatanging pagganap sa pelikulang “Alter Me.” Taong 2020 nang lumabas ang proyekto na kalauna’y napanuod sa streaming platform na Netflix.

Kasama ni Enchong sa pelikula sina Jasmine Curtis-Smith, JC Santos, Via Antonio sa direksyon ni RC Delos Reyes.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Naganap ang pagkilala sa Bulwagang Manuel L. Quezon University noong Huwebes, Mayo 19. “Maraming Salamat Gawad Tanglaw sa pagkilalang ito🙏🏽,” ani Enchong.

Kinilala ni Enchong kasama sa pagkilala ang ilan sa mga taong nakasama sa proyekto.

Binati ng mga kaibigan sa industriya ang aktor kabilang na sina Ria Atayde at co-star na si Jasmin.