Usap-usapan ngayon sa social media ang Facebook post ng isang netizen kung saan makikita ang aktor na si Diego Loyzaga na may kasamang babae sa litrato at video.

Iniintriga ng netizen na ito ang mga kumalat na litrato ni Diego kasama ang dating Pinoy Big Brother housemate na si Franki Russell, na nauna nang ibinahagi ni Franki sa kaniyang Instagram account. May caption ang kaniyang IG post na 'Birthday Boy' at naka-tag pa umano rito ang aktor na si Diego.

Kasama sa mga litratong ibinahagi ni Franki ang pagpapa-tattoo niya kasama si Diego.

Bagama't ilang oras lamang matapos i-post ay burado na ito, hindi naman ito nakatakas sa mabilis na mga mata at kamay ng mga Marites, na agad na nai-screenshot.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

"Shot puno agad Barbie nandito lang ako sa bahay naka ready na empi. Barbie Imperial," saad ng isang netizen na tinag pa ang ex ni Diego na si Barbie.

"Happy Birthday Pareng Dieg's more chicks to come. Mainit-init pa walang-wala sa lamig ng panahon ngayon. Na-save ko na girl, binura mo naman agad sa IG," saad pa ng netizen.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o kumpirmasyon sina Diego at Franki tungkol dito.