Ikinagulat ng lahat ang balita ng pagpanaw ng tinaguriang 'Queen of Philippine Movies' na si Susan Roces nitong Mayo 20 ng gabi, ayon na rin sa kumpirmasyon ng kaniyang adoptive daughter na si Senadora Grace Poe.

Sa edad na 80, ang showbiz icon ay nakapaghakot na rin ng hindi mabilang na pagkilala at parangal kagaya ng mga pelikulang inambag sa bansa. Siya ang maybahay ng yumaong 'King of Philippine Movies' na si Da King Fernando Poe, Jr.

May recurring role si Susan sa longest-running teleserye ng ABS-CBN na 'FPJ's Ang Probinsyano' bilang si Lola Flora, ang lola ni Ricardo Dalisay na ginagampanan naman ni Coco Martin.

Sa Instagram account na @cocomartin_ph, tila pinasalamatan at binigyang-pugay ni Cardo Dalisay ang kaniyang Lola Flora.

Niana Guerrero, pinaplano na ring pasukin ang showbiz?

"Mahal na mahal kita Lola. Maraming salamat po sa lahat ng biyaya, pag gabay at pag aruga. Nabuo ako, dahil sa pagmamahal mo. Hindi kita makakalimutan. Nasa puso at nasa isip kita habangbuhay. Mahal po kita!" saad sa caption.

Bukod kay Coco, bibigyang-pugay rin siya ng iba pang cast members ng FPJ's Ang Probinsyano gaya nina John Prats, Jhong Hilario, Bela Padilla, John Arcila, Lorna Tolentino, Raymart Santiago, Albert Martinez, Michael De Mesa, at iba pa.

Bumaha rin ng mensahe ng pagpupugay at pakikiramay ang mga netizen sa comment section.