Ibinahagi ng aktor na si Rob Moya na napanood na niya ang latest vlog ng ex-jowang si Toni Fowler kung saan hiniling nito sa mga tagasuporta na huwag siyang husgahan kung pinatawad na niya ang ex-boyfriend dahil naniniwala siya sa konseptong deserve ng lahat ang isang pangalawang pagkakataon.

Sinariwa ni Toni sa kaniyang latest vlog na may pamagat na "Toni and Rob End Game" ang masasayang alaala kasama si Rob. Hindi niya umano pinagsisisihang nakilala at muling pinatawad si Rob dahil tanggap niya umanong may mga taong hindi itinakdang makatuluyan subalit bahagi na ng nakaraan. Humingi rin siya ng tawad sa mga kaanak ni Rob dahil pati raw sila ay nakaladkad pa sa isyu nila.

Nagbigay naman ng reaksiyon dito si Rob sa kaniyang latest Facebook post nitong Mayo 18.

"I just watched your vlog Toni Fowler…."

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

"Hindi ko mapigilan umiyak ng umiyak…"

"Thank you dahil you gave me the best memories ever… and again sobrang happy ako para sa inyo ni Vince Flores."

"I love you too, bestfriend."

Screengrab mula sa FB/Rob Moya

Matatandaang naging usap-usapan ang proposal ni Vince kay Toni para maging kasintahan nito.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/17/toni-fowler-at-vince-flores-opisyal-nang-mag-jowa-rob-moya-etsa-puwera-na/">https://balita.net.ph/2022/05/17/toni-fowler-at-vince-flores-opisyal-nang-mag-jowa-rob-moya-etsa-puwera-na/

Ibinahagi ni Vince sa kaniyang vlog noong Mayo 15 ang ginawa niyang proposal kay Toni, na naging kontrobersiyal ang buhay-pag-ibig dahil sa kaniyang ex-boyfriend na si Rob Moya na nagtangkang muli siyang suyuin.

Idinaan sa isang prank ni Vince ang paghingi niya sa pagsang-ayon ni Toni upang maging kasintahan nito. Kunwari ay nagkaroon ng high blood pressure si Vince kaya hindi siya puwedeng operahan, kaya walang pamimilian si Toni kundi bumalik sa operating room.

Makikitang habang nag-aalala si Toni kay Vince ay isa-isang ipinasok sa operating room ang mga bulaklak at iba pang props.

Malugod at emosyunal namang tinanggap ni Toni ang singsing na inialok sa kaniya ni Vince. Dito ay ibinunyag na niyang kinuntsaba niya ang mga doktor at nurse para maisagawa ang kaniyang proposal.

Nagbigay rin ng mensahe ang anak ni Toni na si Tyronia para sa kanilang dalawa.

"Masaya po ako para sa 'yo Mommy Toni Fowler. TiTo Vince alagaan mo po si mommy at mga pangako mo po sa kaniya," ayon sa caption ng Facebook post nito.

Naging maganda naman ang reaksiyon at komento ng mga netizen, lalo na ang mga tagahanga nila. Mas bagay raw si Toni kay Vince kaysa kay Rob.

Noong Mayo 15, nag-update na si Toni ng kaniyang relationship status.

Samantala, si Rob naman ay nagpo-post ng mga cryptic post sa kaniyang Facebook account tungkol sa pagmo-move on.

"Need a break… Bakasyon muna tayo… See you, Bicol and Sorsogon!" ayon sa kaniyang latest FB post.

Matatandaang naging viral ang video kung saan itinapon ni Toni sa mukha niya ang singsing na inialay ni Rob sa ex upang muling hingin ang pag-ibig nito.

Samantala, panoorin ang vlog ni Toni na may pamagat na "Toni and Rob End Game".

Mula sa YouTube channel ni Toni Fowler