Usap-usapan ngayon ang litrato ng isa sa mga OPM legend na si Freddie Aguilar kasama ang kaniyang misis habang sila ay nag-iintimate lunch date, noong Mayo 14, 2022.

"Lunch date kami ni bhabe❤️ kanina lang sa Italianis UP Town Center. Love you bhabe ko❤️💙❤️" sweet caption ni Aguilar sa kaniyang Facebook post.

Screengrab mula sa FB/Freddie Aguilar

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Matatandaang naging kontrobersiyal ang relasyon ng dalawa dahil 16 na anyos pa lamang noon ang kaniyang misis, na kasintahan pa lamang niya noon. Ikinasal sila noong Nobyembre 22, 2013 sa isang Muslim wedding ceremony sa Buluan, Maguindanao. Umani ito ng samu't saring reaksiyon mula sa mga netizen. 60 anyos naman nang mga sandaling iyon ang 'Anak' hitmaker.

Halos siyam na taon na nga ang nakakalipas ay going strong pa rin naman ang pagsasama nina Ka-Freddie at kaniyang misis.

Kaya naman, marami ang napa-sana all kay Ka-Freddie na kamakailan lamang ay sinuportahan at nagtanghal sa miting de avance ni presidential candidate at Senador Manny Pacquiao.

May isang netizen pa na nagtanong kung ano ba ang iniinom niya araw-araw at napapanatili ang kaniyang karisma.

"Ka Freddie ano po iniinom niyo araw araw?" tanong nito.

"Tubig bakit?" sago-tanong ni Ka-Freddie.

Narito pa ang ibang komento ng mga netizen.

"Idol talaga kita Ka-Freddie!"

"Good to see you are enjoying life Ka-Freddie Aguilar."

"Take care kuya, enjoy lang po ang oras natin habang malakas pa tayo. Tama po 'yan para mas humaba pa ang buhay natin kalakip din ng song natin ay pag-enjoy kasama ang mahal sa buhay."

"Lodi ka talaga Ka-Freddie!"