Binasag na nina Barbie Imperial at Xian Lim ang kanilang katahimikan kaugnay ng viral photo nilang dalawa sa isang hotel, na naging usap-usapan ng mga online Marites noong Mayo 15.

"Thank you so much, Mr. Xian Lim & Ms. Barbie Imperial for staying at Hotel Rosario Mati," nakalagay sa caption ng Facebook post. Makikita naman ang nakangiting sina Barbie at Xian.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/16/barbie-imperial-at-xian-lim-naispatan-sa-isang-hotel-xian-gaza-tinawag-atensyon-ni-kim-chiu/">https://balita.net.ph/2022/05/16/barbie-imperial-at-xian-lim-naispatan-sa-isang-hotel-xian-gaza-tinawag-atensyon-ni-kim-chiu/

Naging maagap naman dito si self-proclaimed Pambansang Lalaking Marites na si Xian Gaza at tinawag ang atensyon ni Kim Chiu, ang jowa ni Xian Lim.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Maging ang mga netizen sa comment section ay napapatanong na rin kung bakit magkasama ang dalawa. May ilang nagsabing baka may proyekto sila together at may ilan namang medyo malisyoso ang naiisip. May mga nagtanggol naman sa kanilang dalawa at sinabing naimbitahan silang pareho sa isang campaign rally ng isang politiko sa Mati, Davao Oriental.

Bagay na kinumpirma naman nina Barbie at Xian.

Sey ni Barbie, hindi lang naman sila ni Xian ang nasa naturang hotel. Marami raw sila at magkakaiba ang kuwartong kanilang tinulugan.

“It was actually the hotel where we stayed at noong nag-campaign kami nina Xian sa Mati. Marami kami. My room and Xian’s room. Nag-favor ‘yung hotel if puwede mag-photo,” pagpapaunlak ni Barbie sa isang news site.

Ipinaliwanag naman ni Xian ang kaniyang panig sa isang panayam.

“Speaking of Facebook, may nabasa ako, nag-scroll ako kagabi. May mga nagta-tag ng kaganapan daw, na diumano natagpuan, na spotted daw ako sa isang lugar. Not guilty, 'yun lang," sagot ni Xian sa mga nang-iintrigang may something sila ni Barbie.

"I guess, ang reaksiyon ko lang doon is, totoo ba? Alam mo 'yun? Wala tayong panahon diyan. Wala na bang mabalita?"

"Pero salamat sa lahat ng mga nagtanggol sa akin. I guess, the news is just absurd. Wala akong panahon para diyan," paglilinaw pa ng Kapuso actor na siyang bida sa 'False Positive' katambal si Glaiza De Castro, na unang proyekto niya sa Kapuso Network matapos ang kaniyang paglipat noong 2021.