Nagpahayag ng kumpiyansa ang Malacañang nitong Miyerkules sa bagong hinirang na Supreme Court (SC) Associate Justice na si Maria Filomena Singh para sa patuloy na pagtataguyod ng husay sa High Court, bilang dati na ring Court of Appeals (CA) associate justice.

Sa isang pahayag, sinabi ni Communications Secretary Martin Andanar na binabati ng Palasyo si Singh sa kanyang appointment.

Sinabi rin ng Malacañang na tiwala ito na itataguyod ni Singh ang kalayaan sa SC.

“We wish AJ Singh success in her new assignment,” mababasa sa pahayag.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Noong Miyerkules, hinirang ni Pangulong Duterte si Singh sa SC, ang 194th Associate Justice ng High Court. Bago ito, siya ang Senior Member ng CA Second Division.

Joseph Pedrajas