Kahit ipinatigil na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang operasyon ng online sabong, anim pa ring e-sabong sites ang natuklasang nag-o-operate kamakailan, ayon sa pahayag ng Philippine National Police (PNP) kamakailan.
Sa isang pulong balitaan, ipinaliwanag ni PNP Spokesperson Col. Jean Fajardo na nagsasagawa na ng cyber partrolling ang cybercrime unit ng kanilang hanay upang subaybayan ang iba pang aktibong online sabong sites sa bansa.
“They already identified initially anim na illegal e-sabong sites na nag-o-operate," aniya.
Kasalukuyan din aniyang nagsasagawa ng case buildup ang PNP laban sa anim na natukoy na e-sabong sites.
Aniya, hiniling na nila sa social media providers na burahin na ang mga nasabing e-sabong sites na maisasagawa pa sa loob ng dalawang linggo.
Inaalam na rin nila ang mga operators sa likod ng mga iligal na online sabong upang mapanagot sa batas.
Kamakailan, inaprubahan ni Pangulong Rodrigo- Duterte ang rekomendasyon ngDepartment of the Interior and Local Government (DILG) na ipahinto ang operasyon ng e-sabong na sinisisi sa pagkasira ng pagpapahalaga sa moralidad ng mga Pinoy.