Usap-usapan ngayon at tila 'kinakikiligan' ang palitan ng mensahe ng self-proclaimed Pambansang Lalaking Marites na si Xian Gaza at Kapamilya actress Barbie Imperial, sa social media.

Matatandaang binigyan ng malisya ng mga netizen ang litrato nina Barbie at Kapuso actor Xian Lim habang nasa lobby sila ng isang hotel.

Isa sa mga sumakay sa isyung ito si Xian Gaza at agad na minention si Kim Chiu, ang nobya ni Xian Lim. Makikita rin sa 'chismis Facebook page na 'Isyus' ang litrato nina Barbie at Xian.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/16/barbie-imperial-at-xian-lim-naispatan-sa-isang-hotel-xian-gaza-tinawag-atensyon-ni-kim-chiu/">https://balita.net.ph/2022/05/16/barbie-imperial-at-xian-lim-naispatan-sa-isang-hotel-xian-gaza-tinawag-atensyon-ni-kim-chiu/

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Habang may mga netizen na binigyan nga ng malisya ang naturang litrato, marami naman din sa mga netizen ang nagtanggol sa kanila. Pareho daw pala silang naimbitahan sa isang miting de avance sa huling araw ng pangangampanya sa Mati City noong Mayo 7, 2022. Maraming mga netizen ang nagbigay ng mga resibo tungkol dito. Pareng hotel lamang pero magkakaibang kuwarto naman daw sila.

"Barbie Imperial bakit Xian Lim pa kung pwede namang Xian Gaza na lang," sey pa ni Xian Gaza sa kaniyang Facebook post noong Mayo 16.

Ibinahagi naman ito ni Barbie Imperial sa kaniyang Facebook post ngayong Mayo 17.

"Lagi moko inaaway eh," ani Barbie.

Makikitang nagkomento naman dito si Xian.

"Crush kita eh."

Tumugon naman dito si Barbie.

"Ganyan ka pala magka-crush inaaway mo…"

Matatandaang inintriga ni Xian ang relasyon nina Barbie at ex nitong si Diego Loyzaga. Noong Pebrero 2022 ay kinumpirma ni Barbie na hiwalay na sila nito.

Inamin din naman ni Xian na nasaktan siya noon sa mga pahayag ni Barbie na isa siyang scammer at wala itong interes sa kaniya, sa ginawa nitong vlog na "Jojowain o Totropahin".

Basahin: https://balita.net.ph/2021/11/18/barbie-at-christine-nagkampihan-xian-gaza-si-diego-ang-puntirya/">https://balita.net.ph/2021/11/18/barbie-at-christine-nagkampihan-xian-gaza-si-diego-ang-puntirya/