Ibinahagi ng social media influencer na si Toni Fowler na finally ay sinagot na rin niya ang kaniyang manliligaw na si Tito Vince Flores.

Ibinahagi ni Vince sa kaniyang vlog noong Mayo 15 ang ginawa niyang proposal kay Toni, na naging kontrobersiyal ang buhay-pag-ibig dahil sa kaniyang ex-boyfriend na si Rob Moya na nagtangkang muli siyang suyuin.

Idinaan sa isang prank ni Vince ang paghingi niya sa pagsang-ayon ni Toni upang maging kasintahan nito. Kunwari ay nagkaroon ng high blood pressure si Vince kaya hindi siya puwedeng operahan, kaya walang pamimilian si Toni kundi bumalik sa operating room.

Makikitang habang nag-aalala si Toni kay Vince ay isa-isang ipinasok sa operating room ang mga bulaklak at iba pang props.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Malugod at emosyunal namang tinanggap ni Toni ang singsing na inialok sa kaniya ni Vince. Dito ay ibinunyag na niyang kinuntsaba niya ang mga doktor at nurse para maisagawa ang kaniyang proposal.

Nagbigay rin ng mensahe ang anak ni Toni na si Tyronia para sa kanilang dalawa.

"Masaya po ako para sa 'yo Mommy Toni Fowler. TiTo Vince alagaan mo po si mommy at mga pangako mo po sa kaniya," ayon sa caption ng Facebook post nito.

Naging maganda naman ang reaksiyon at komento ng mga netizen, lalo na ang mga tagahanga nila. Mas bagay raw si Toni kay Vince kaysa kay Rob.

Noong Mayo 15, nag-update na si Toni ng kaniyang relationship status.

Samantala, si Rob naman ay nagpo-post ng mga cryptic post sa kaniyang Facebook account tungkol sa pagmo-move on.

"Need a break… Bakasyon muna tayo… See you, Bicol and Sorsogon!" ayon sa kaniyang latest FB post.

Screengrab mula sa FB/Rob Moya

Matatandaang naging viral ang video kung saan itinapon ni Toni sa mukha niya ang singsing na inialay ni Rob sa ex upang muling hingin ang pag-ibig nito.

Samantala, panoorin ang naturang proposal vlog ni Vince Flores na umere noong Mayo 15, at may 1,688,444 views na.

&t=2s