Nagbigay ng makabagbag-damdaming mensahe si presidential candidate at Senador Manny Pacquiao para sa kaniyang inang si Mommy Dionisia Pacquiao na nagdiwang ng kaniyang ika-73 kaarawan noong Mayo 15.

"Mang, maraming salamat sa lahat ng sakripisyo mo sa buhay para sa amin. Nakita ko kung paano ka nagsumikap para maitaguyod ang pamilya natin," ani PacMan.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

"I want to thank you for loving me and shaping me into the person I have become today. Maraming salamat sa mga pangaral mo, sa guidance mo at sa support mo. Happy Birthday my Mommy D! I love you."

Kalakip ng FB post ng senador ang ilang throwback photos nila ni Mommy D.

Sa Instagram post naman ng misis ni Manny na si Jinkee Pacquiao, makikita ang simpleng pagdiriwang ng kanilang pamilya na dinaluhan ng kanilang malalapit na kaanak at kaibigan.

"Happy 73rd birthday Mommy D! We love you!" caption ni Jinkee.

Nagpakita ng buong pagsuporta si Mommy D sa kandidatura ng kaniyang anak na si Manny. Sumasampa rin siya sa mga campaign rally nito upang himukin ang publiko na iboto ang kaniyang anak sa pagkapangulo.

Sa partial and unofficial election results ay nasa pangatlong puwesto ang People's Champ.