May simple ngunit makahulugang Instagram post si Megastar Sharon Cuneta noong Linggo, Mayo 15, na umani ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

Ayon sa kaniyang IG post na isang art card, "Respeto, pagmamahal, at pag-unawa… yun lang sana" at sa dulo nito ay may pusong kulay-pula.

View this post on Instagram

A post shared by ActorSingerPresenter (@reallysharoncuneta)

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Sa caption mismo ng IG post, nilagyan niya ito ng emojis ng nagdadasal na kamay at 'PH' na nangangahulugang Pilipinas.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksyon at komento mula sa mga netizen.

"Respect begets respect."

"Hope you can teach Kakie to respect others' decisions. We have different political beliefs and hope for some respect."

"Kayo rin po sana."

"It should come from you first and foremost."

"I am one of the 14 million who stood by Leni and Kiko. You are still my megastar."

"We love you Ate Shawie no matter what!"

"I don't follow the 'respect is earned' philosophy. I respect everyone automatically and then each person has the opportunity to lose my respect based on their behavior"

"RESPETO, PAGMAMAHAL AT PAG-UNAWA ay laging at dapat nagsisimula sa loob at sariling tahanan. Kung ang mga miyembro ng tahanan ay walang ugali kagaya niyan, paano na pag nasa labas ng tahanan?"

Matatandaang kinuyog ng mga netizen, lalo na ang mga tagasuporta ng BBM-Sara supporter si Mega, dahil sa isyu ng pag-awit ni UniTeam senatorial candidate Atty. Salvador Panelo sa kaniyang iconic song na 'Sana'y Wala Nang Wakas,' sa isang LGBTQIA+ event ni vice presidential candidate at Davao City Mayor Sara Duterte.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/10/megastar-gigil-kay-panelo-sa-pagkanta-nito-sa-kaniyang-iconic-song-sa-isang-event/">https://balita.net.ph/2022/03/10/megastar-gigil-kay-panelo-sa-pagkanta-nito-sa-kaniyang-iconic-song-sa-isang-event/

Nilinaw naman ni Panelo na isa siyang Sharonian at kaya niya inawit ang kanta nito ay dahil alay niya sa kaniyang namayapang anak na may special needs.

Kaagad din namang humingi ng dispensa si Sharon at nagpakumbaba. Binura niya ang lahat ng mga social media posts niya tungkol dito.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/24/sharon-cuneta-humingi-ng-tawad-sa-isyung-pagdadamot-ng-kanta/">https://balita.net.ph/2022/03/24/sharon-cuneta-humingi-ng-tawad-sa-isyung-pagdadamot-ng-kanta/

Samantala, wala pang tugon o reaksyon ang Megastar tungkol sa patutsada ng mga netizen sa kaniyang post.