Isang taon mula nang sumabak sa Miss Universe 2020 competition si Rabiya Mateo, napa-throwback ang beauty queen-turned-actress sa kanyang naging journey sa kanyang Instagram post.

Sa serye ng mga larawan at short clips, binalikan ni Rabiya ang kanyang naging journey sa Seminole Hard Rock Hotel & Casino in Hollywood, Florida nang ganapin ang 69th edition ng Miss Universe pageant.

Kabilang sa mga larawang ibinahagi ni Rabiya ang tumatak niyang national costume na inspired sa Philippine flag.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Makikita rin sa IG post ang fierce na swimsuit performance ni Rabiya suot ang two-piece yellow bikini kung saan lutang na lutang ang kaseksehan ng beauty queen.

“Rabiya Mateo, Philippines! 🇵🇭🇵🇭🇵🇭 Random photos and videos from my MU journey that happened exactly one year ago. Forever grateful to all the people who rallied behind me. Love lots!” mababasa sa caption ni Rabiya.

Umabot sa Final 21 si Rabiya na nagselyu sa isang dekadang semifinals win streak ng Pilipinas sa nasabing kompetisyon mula 2010, sa pangunguna ng tinaguriang "drought-breaker" na si Venus Raj.

Si Andrea Meza ng bansang Mexico ang nag-uwi ng korona para sa taong 2020 na nagsilbi ng pinakamaikling reign mula Mayo hanggang Disyembre 2021.