Isa sa mga naghahangad ng paggaling ni Queen of All Media Kris Aquino si UP Professor Clarita Carlos, ayon sa kaniyang Facebook post noong Mayo 16.

Ibinahagi ni Prof. Carlos ang isang quote card ng isang news outlet mula sa pahayag ni Kris sa pagbibigay ng update sa kalusugan, sa kaniyang Instagram post nitong Mayo 16.

Pinuri ng sikat na propesor at panelista ng SMNI debates si Kris na una niyang nakita nang personal noong 8 anyos pa lamang ito.

"I first saw Kris Aquino when she was like 8 years old, while cutting the ribbon of a fast food outlet at the SM North Mall…

Relasyon at Hiwalayan

Chloe punumpuno ang puso dahil kay Carlos, inurirat kung kailan papakasal

She delivered her short speech extemp and she was very articulate…" ayon sa propesora.

"We have followed her to her adulthood as the feisty, fun loving daughter of our president…"

"Later, she shared with us her sadness and her unhappiness from her, admittedly, many errors in judgment in love…"

"I have always admired her chutzpah… being her own person and not really caring a whit what the rest of us think…"

Nanawagan si Prof. Carlos na sama-samang ipanawagan sa universe ang positive energy para sa agarang pagbuti ng kalusugan ni Kris.

"Today, given her very serious medical challenge, I hope you will join me in summoning all the positive energy of the universe, to help her heal…"

"Thank you…"

Screengrab mula sa FB/Prof. Clarita Carlos

Matapos ang kaniyang pananahimik sa social media bago at matapos ang halalan at mabalita ang paglipad sa Amerika, muling nagbigay ng kaniyang update si Kris nitong Mayo 16.

Inamin niya na 'life threatening' na ang kaniyang lagay. Narito ang kaniyang buong IG post:

"Pasensya na, hindi po ako sigurado if my video made sense. Mula end of April, we found out life threatening na yung illness ko."

"Ive always been proud of my honesty & courage. Ginusto ko na maka lipad sana ng tahimik pero utang ko po sa mga nag darasal na gumanda ang aking kalusugan ang mag THANK YOU & to tell the TRUTH."

"Kayo na lang please ang mag research- 3 ang confirmed autoimmune conditions ko: chronic spontaneous urticaria, autoimmune thyroiditis, and definitively confirmed after my 3rd skin biopsy was read by a pathologist here & in the 🇺🇸- meron po akong vasculitis, to be very specific - late stage 3 of Churg Strauss Syndrome now also known as EGPA."

"My team of doctors here & abroad (we’ve been closely consulting with a Filipino-American doctor and his team in Houston, Texas. Here the majority of my doctors practice in St Luke’s BGC and/or Makati Medical Center except my neurologist who has clinics in Asian, Perpetual & Medical City). They are all worried about organ damage in my heart & in my lungs. Kaya lahat ng paraan sinubukan for me to get to Houston soonest. Yung gamot that God willing can help save me doesn’t have FDA approval here or in Singapore & isasabay na po mag infuse ng chemotherapy as my immunosuppressant. Why? Allergic po ako sa lahat ng steroids."

Pinagsabihan din niya ang mga netizen na lumilikha ng chika tungkol sa kaniya na huwag na sanang magkomento nang masasama laban sa kaniya bilang paggalang na rin sa kaniya.

"Not for my sake, pero for my 2 sons, 1 in the autism spectrum & 1 only 15- kung balak n'yo pong mambastos or mag-comment ng masakit o masama, sa mga sarili n'yo na lang pong IG, FB, or chat group sana gawin."

"Hindi n'yo po ako kailangan gustuhin para magpakatao… please don’t punish Kuya & Bimb for being my sons. Hindi po masama ang maglakas ng loob at magsabi ng sobrang bigat na katotohanan."

Sa video na kalakip ng kaniyang IG post, may mensahe naman siya sa mga nagpapakalat ng chismis na nag-agaw-buhay raw siya sa ospital.

"Hello everyone… yung chismis na na-confine ako, na nasa ICU, na nag-aagaw-buhay… masyado kayong advanced," sey ni Krissy.

"Para klaro ang lahat…. dahil gusto n'yong patayin na 'ko… well.. I'm not yet dead.. okay… so… I'm going to fight."