Ilang maningning na Kapuso stars ang present sa intimate birthday celebration ni “Asia’s Limitless Star” Julie Anne San Jose.

Ngayong Martes, ipinagdiriwang ng Kapuso actress-singer-host ang kanyang ika-28 kaarawan.

Noong Lunes naman napiling ipagdaos ni Julie ang kanyang kaarawan kasama ang pamilya at malalapit na kaibigan sa showbiz industry. Sa serye ng mga larawan na ibinahagi ng GMA Network sa Instagram, dinaluhan ng maningning na Kapuso stars ang intimate celebration.

Vic Sotto, nasaktan sa ginawa ng TAPE sa Eat Bulaga

Kabilang sa mga dumalo ang power couples na sina Barbie Forteza at Jack Roberto, Gabbi Garcia at Khalil Ramos, Kyline Alcantara at Mavy Legaspi, at ang mag-asawang sina Dianne Medina at Rodjun Cruz.

Present din sa okasyon si Ken Chan, Cassy Legaspi at ang umaming nanliligaw sa Kapuso star na si Rayver Cruz.

“Gusto ko lang sabihin is nandirito lang ako, maghihintay ako kahit gaano katagal. Kapag ready ka na and kapag okay na kay Tito at Tita, palagi lang akong nandito. Mahal kita. Happy birthday,”kinakiligang mensahe ng aktor kay Julie sa harap mismo ng Kapuso singer.

Ngayong 2022 unang maiulat ang espesyal na ugnayan ang dalawa.Noong Abril, nagkatrabaho sina Rayver at Julie sa kamakailang "Limitless" concert ng singer.