Isa ang komedyanteng si Archie Alemania sa mga nanatiling cast member sa revamp na ginawa sa 'Bubble Gang', ang longest gag show na umeere sa GMA Network.

Noong Mayo 13 ay isinagawa ang isang online press conference sa direktor at cast members nito gaya nina Michael V, Paolo Contis, Chariz Solomon, Betong Sumaya, Sef Cadayona, Valeen Montenegro, Analyn Barro, Faye Lorenzo, at Kokoy de Santos.

Naging kontrobersiyal itong si Archie dahil nga sa naging paggaya niya sa chant ni Gab Valenciano sa UniTeam campaign rallies; si Gab ay para naman sa Leni-Kiko tandem.

Nakarating sa kaalaman ni Gab ang ginawang pagpapatawa ni Archie. Niretweet ito ng anak ni Mr. Pure Energy Gary Valenciano at nilagyan ng caption na "Game Over, Archie".

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Basahin: https://balita.net.ph/2022/04/24/gab-v-pabirong-bumwelta-kay-archie-alemania-sa-panggagaya-nito-sa-kaniya-game-over-archie/">https://balita.net.ph/2022/04/24/gab-v-pabirong-bumwelta-kay-archie-alemania-sa-panggagaya-nito-sa-kaniya-game-over-archie/

Bagama't walang binanggit na pangalan, ipinagpalagay ng mga netizen na ang Instagram post naman ni Archie kasama ang komedyanteng si Gary Lim, ay tugon niya kay Gab.

"Nagpa-practice na kami abangan n'yo… 🤣🤣🤣 #joketime #wagseryosohin #garrylim," aniya sa caption. Hindi na tumugon si gab tungkol dito.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/04/24/archie-tumugon-sa-pabirong-banat-ni-gab-na-game-over-nagpapraktis-na-raw-kasama-si-gary-lim/">https://balita.net.ph/2022/04/24/archie-tumugon-sa-pabirong-banat-ni-gab-na-game-over-nagpapraktis-na-raw-kasama-si-gary-lim/

Kaya nauntag si Archie tungkol dito.

“Unang-una, wala naman kaming samaan ng loob. Dati pa magkaibigan naman kami n’yan. Wala naman akong masamang tinapay kahit kanino man,” pahayag ni Archie.

Iginiit ni Archie na isa siyang komedyante at wala naman daw siyang intensiyong mang-inis o mang-asar. Mas gusto nga raw niya na siya ang pagtawanan ng mga tao.

Magkaibigan pa rin daw ang turing niya kay Gab at wala siyang sama ng loob dito o maging sa pamilya nila.

"Wala naman akong masamang tinapay kina Gab, kina Tita Angeli [Pangilinan]… I still consider Gab as my friend… Sa mga pagpapatawa ko hindi para pagtawanan ang ibang tao. It’s for people to laugh at me, not the other way around,” aniya.

Ngunit pag-amin niya, hindi pa sila nagkakausap ngayon ni Gab ngunit naniniwala siyang magkukrus ang mga landas nila nito at makakapag-usap sila. Maliit lamang daw ang mundo ng showbiz. Tiyak daw na mapag-uusapan nila ito.

Mapapanood ang bagong bihis na Bubble Gang sa Mayo 27.