May sisingilin ang Kapuso comedian na si Pokwang sa mga kaanak at kaibigang BBM supporters, ayon sa kaniyang tweet noong Mayo 13, 2022, dahil tapos na raw ang halalan.

Ngunit hindi naman ito eksena sa teleserye na buhay ang sisingilin kundi utang. Ngayong tapos na aniya ang halalan, tanggap na raw niya ang naging resulta, pero sana raw, magbayad na sa kaniya ang mga kamag-anak at kaibigang nagkautang sa kaniya, lalo na ang BBM supporters.

"Ok tapos na eleksyon tanggap-tanggap na rin ganon talaga… pero sana yung mga BBM na kamag anak at friends na nangutang sakin bayad-bayad na rin ha ok? Tapos na mga pinaglalaban natin pare-parehong nagsalita nang di maganda sa mga kandidato natin kaya 'wag magmalinis ha."

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

https://twitter.com/pokwang27/status/1524961079419637760

Matatandaang isang Kakampink o tagasuporta ng Leni-Kiko tandem si Pokwang, na hindi nangiming ipaglaban ang kaniyang paniniwala, lalo na sa atake ng bashers at trolls.