Muling nagbigay ng kaniyang update sa kalusugan si Queen of All Media Kris Aquino.

Sa kaniyang Instagram post ngayong Mayo 16, inamin niyang 'life threatening' na ang kaniyang lagay. Inilakip niya sa kaniyang IG post ang kaniyang video.

"Pasensya na, hindi po ako sigurado if my video made sense. Mula end of April, we found out life threatening na yung illness ko."

Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/16/kris-may-rebelasyon-sa-kaniyang-sakit-we-found-out-life-threatening-na-yung-illness-ko/">https://balita.net.ph/2022/05/16/kris-may-rebelasyon-sa-kaniyang-sakit-we-found-out-life-threatening-na-yung-illness-ko/

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

"I've always been proud of my honesty & courage. Ginusto ko na maka lipad sana ng tahimik pero utang ko po sa mga nag darasal na gumanda ang aking kalusugan ang mag THANK YOU & to tell the TRUTH."

Sinabihan niya ang mga tagasuporta na sila na lamang ang magsaliksik sa kung ano ba ang mga detalye sa kaniyang sakit.

"Kayo na lang please ang mag research- 3 ang confirmed autoimmune conditions ko: chronic spontaneous urticaria, autoimmune thyroiditis, and definitively confirmed after my 3rd skin biopsy was read by a pathologist here & in the 🇺🇸- meron po akong vasculitis, to be very specific - late stage 3 of Churg Strauss Syndrome now also known as EGPA."

"My team of doctors here & abroad (we’ve been closely consulting with a Filipino-American doctor and his team in Houston, Texas. Here the majority of my doctors practice in St Luke’s BGC and/or Makati Medical Center except my neurologist who has clinics in Asian, Perpetual & Medical City). They are all worried about organ damage in my heart & in my lungs. Kaya lahat ng paraan sinubukan for me to get to Houston soonest. Yung gamot that God willing can help save me doesn’t have FDA approval here or in Singapore & isasabay na po mag infuse ng chemotherapy as my immunosuppressant. Why? Allergic po ako sa lahat ng steroids."

Pinagsabihan din niya ang mga netizen na lumilikha ng chika tungkol sa kaniya na huwag na sanang magkomento nang masasama laban sa kaniya bilang paggalang na rin sa kaniya.

"Not for my sake, pero for my 2 sons, 1 in the autism spectrum & 1 only 15- kung balak n'yo pong mambastos or mag-comment ng masakit o masama, sa mga sarili n'yo na lang pong IG, FB, or chat group sana gawin."

"Hindi n'yo po ako kailangan gustuhin para magpakatao… please don’t punish Kuya & Bimb for being my sons. Hindi po masama ang maglakas ng loob at magsabi ng sobrang bigat na katotohanan."

Sa video na kalakip ng kaniyang IG post, may mensahe naman siya sa mga nagpapakalat ng chismis na nag-agaw-buhay raw siya sa ospital.

"Hello everyone… yung chismis na na-confine ako, na nasa ICU, na nag-aagaw-buhay… masyado kayong advanced," sey ni Krissy.

"Para klaro ang lahat…. dahil gusto n'yong patayin na 'ko… well.. I'm not yet dead.. okay… so… I'm going to fight."