Pinagpipiyestahan ngayon ng mga Marites kung bakit magkasama sa litrato sa isang hotel sina Kapamilya actress Barbie Imperial at Kapuso actor Xian Lim, batay sa mismong Facebook post ng hotel nitong Mayo 15, 2022.

"Thank you so much, Mr. Xian Lim & Ms. Barbie Imperial for staying at Hotel Rosario Mati," nakalagay sa caption. Makikita naman ang nakangiting sina Barbie at Xian.

Barbie Imperial at Xian Lim (Screengrab mula sa FB/Hotel Rosario Mati)

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Naging maagap naman dito si self-proclaimed Pambansang Lalaking Marites na si Xian Gaza at tinawag ang atensyon ni Kim Chiu, ang jowa ni Xian Lim.

Barbie Imperial at Xian Lim (Screengrab mula sa FB/Xian Gaza via Hotel Rosario Mati)

Maging sa chismis FB page na 'Isyus' ay naibahagi rin ito. Sa pagkakataong ito ay may kasama silang tatlong babae na nakatakip ang mga mukha.

"Hintayin natin magsalita yung Spokesperson ni Kim Chiu tungkol dito," saad sa caption.

Barbie Imperial at Xian Lim (Larawan mula sa FB/Isyus)

Maging ang mga netizen sa comment section ay napapatanong na rin kung bakit magkasama ang dalawa. Tanong ng mga netizen, magkasama ba sina Barbie Imperial at Xian Lim sa isang hotel o sadyang nagkataon lamang?

"Kim Chiu galawin mo ang baso."

"Hintayin na lang natin spokesperson ni Kim."

"Christian Albert Gaza mare ano chika mo."

"Kim shot puno na."

"May project ba silang dalawa?"

"Baka naman nagkataon lang, separate rooms, kayo talaga... huwag lagyan ng malisya!"

"Wait natin ang paliwanag nilang pareho. Baka naman may taping?"

Habang isinusulat ito ay wala pang tugon o reaksyon sina Barbie, Xian, o maging si Kim tungkol dito.