Taong 2012, buntis noon si Precious Lara Quigaman sa anak na si Noah Alcaraz nang magsilbing Reyna Elena ng Grand Santacruzan ng Araneta. Ngayong 2022, ang anak ay escort na ni Hannah Arnold sa parehong okasyon.

Ito ang nakakaantig na kwento na ibinahagi ni Miss International 2005 Lara Quigaman sa kanyang Instagram post noong Linggo, Mayo 15.

View this post on Instagram

A post shared by Lara Quigaman Alcaraz (@laraquigaman)

Karina Bautista, PH navy reservist na

Ilang serye ng larawan ang ibinahagi ng beauty queen-turned-actress kung saan isa sa mga nakiisa sa pagdiriwang ang Pinay titleholder.

Dahil sa kuwento ni Lara, nag-iwan naman ng komento si Binibining Pilipinas International 2022 Hannah Arnold sa nasabing post.

“Awww wow I have goosebumps reading this caption! He was the best companion today! The crowd loved him! Thank you Noah, truly an honour ☺️☺️,” mababasa sa komento ni Hannah.

Samantala, sa Disyembre nakatakdang lumipad ng Japan si Hannah para maging kinatawan ng Pilipinas sa prestihiyusong Miss International pageant.