Dashing ang nag-iisang Asia’s Multimedia Star Alden Richards sa kanyang pagdalo sa red carpet premiere ng hit science fiction series na “Stranger Things” sa New York.

Para sa Kapuso actor, isang dream come true na mapabilang sa mga naimbitahang stars para unang makapanuod sa ikaapat na season ng hit drama series.

View this post on Instagram

A post shared by Alden Richards (@aldenrichards02)

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Sa ibinahaging larawan sa Instagram, suot ang Dior-styled suit, litaw na litaw ang aura ni aktor.

“When a dream turns into reality. 📺” mababasa sa Instagram caption ni Alden, Linggo.

Sa darating na Mayo 27 unang mapapanuod ang Volume 1 ng ikaapat na season habang sa Hunyo 1 ipapalabas ang Volume 2.

Mula noong unang lumabas taong 2016, kabi-kabilang pagkilala na ang hinakot ng serye kabilang ang 65 awards at kabuuang 175 nominations mula sa mga prestihiyusong Emmys, BAFTA, Peabody, Grammys, Golden Globes, bukod sa iba pa.

Sikat din ang serye sa Pinoy fans na masugid na inaabangan sa streaming platform Netflix.