Lumabas na ang opisyal na music video ng bagong awitin ni Gloc-9 tampok si Skusta Clee na may pamagat na 'Kumpisal' noong Biyernes, Mayo 13, na nasa number 4 trending spot for Music ng YouTube channel ngayon.

Makikitang sa isang simbahan ang naging tagpuan ng kanilang music video.

"Di bibilangin ang pagkakamali… Patawarin mo akong muli…" bahagi ng lyrics ng awitin, bagay na umani naman ng bash mula sa mga netizen at naiugnay sa isyu ng hiwalayan nilang muli ni Zeinab Harake. Inakusahan pa ng mga netizen si Skusta na ginagamit ang isyung ito para sa promosyon ng naturang awitin. Naging isyu rin ang pag-shooting nila sa loob ng simbahan.

Narito ang ilan sa mga komento at reaksiyon ng mga netizen.

Tsika at Intriga

11 na buwan sa kulungan: Ricardo Cepeda, pansamantalang nakalaya

"Lord patawarin nyo po ito sapagkat di nya alam ang kanyang ginagawa, kung pwede kunin nyo na rin sya Lord."

"Seriously Skusta Clee?? Gumawa ng worldly music video inside the church."

"Disrespecting the house of the Lord. Bakit kaya sa lahat diyan pa naisipan mag shoot? Bakit kaya pinayagan?"

"Sa simbahan pa talaga nag eksena ng ganyang kanta, hayaan mo nakikinig sa'yo si Lord kukunin kana daw n'ya."

"Sana naintindihan mo yung real meaning ng kumpisal."

"Ang gaganda sana ng mga kanta pero yung ugali at mukha di maganda haha."

Sa kabilang banda, marami rin naman ang nagpaabot ng pagbati sa kanila, lalo na sa comment section ng official music video nito sa YouTube.

"Salute pa rin, hindi matatawaran ang husay ng dalawang 'to.. Idol Sir Gloc-9, mula pagkabata, idol Skusta Clee since 'Hayaan mo Sila'… hindi magbabago 'yun… Sana, sa pagdating ng araw, ay maayos mo na ang pamilya mo, bro Daryl."

"Salute sa inyong dalawa, kahit may problema goods pa rin… nice MV po… congrats po sana mas maraming views at maging ok na rin po ang pamilya mo idol Skusta Clee."

"Solid talaga 'tong talent ni Skusta Clee ang galing… natatabunan lang talaga siya ng mga issues kaya nasisira 'yong image niya bilang artist.. tuloy lang!"

"Ang simple lang ng production pero artists ang nagdala. It's always the talent, Master Gloc and DaSauce."

Halos kasabay ng kainitan ng halalan noong Mayo 9 ay ang pasabog na rebelasyon ng YouTuber na si Zeinab Harake na hiwalay na sila ulit ng karelasyong si Skusta Clee o Daryl Borja Ruiz, sa Mother's Day episode ng Toni Talks ni Toni Gonzaga noong Mayo 8.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/12/dahil-tapos-na-ang-halalan-mga-netizen-kinuyog-binakbakan-si-skusta-clee/">https://balita.net.ph/2022/05/12/dahil-tapos-na-ang-halalan-mga-netizen-kinuyog-binakbakan-si-skusta-clee/

Naging emosyunal si Zeinab, 23, sa pagbabahagi ng masasakit na karanasan niya sa buhay bilang isang ina at partner kay Skusta na ilang beses na ring dumaan sa alanganin ang kanilang relasyon.

"May mga away kami mula January, pero yung away mag-asawa lang na akala ko pag nag-aaway kami kakabati kami, okay na. Hindi pala. March, doon na talaga na lagi niya na akong iniiwan sa bahay,” pagbabahagi ni Zeinab.

Nagkahiwalay sila noong 2020 subalit noong Hulyo 2021 ay muling nagkabalikan. Nagkaroon sila ng anak na si Bia na isinilang noong Marso 2022.

Naging maayos naman daw ang pagsasama nila ni Daryl noong una subalit nang pumasok ang Enero 2022, dito na naman sila nagkaroon ng problema.

Nagkakalabuan na rin sila sa panahong nagdadalantao si Zeinab sa kanilang pangalawang anak na si Moon, ngunit dulot din ng stress ay nakunan si Zeinab.

“Dumating sa point na nagmamakaawa ako sa kaniya. Alam niya na buntis ako… hirap po talaga yung pagbubuntis ko kasi Moon, medyo maselan,” emosyunal na pagbabahagi ni Zeinab.

Nagmakaawa raw si Zeinab na alang-alang sa kanilang mga anak ay huwag silang iwanan ni Daryl para sa ibang babae. Ayon pa kay Zeinab, kahit hindi siya perpektong asawa ay hindi naman niya deserve ang ganoong trato mula sa singer.

Nang mapagtanto raw ni Zeinab na hindi na magbabago pa si Skusta Clee ay nagpasya na raw siyang hiwalayan ito. Kaya lang ipagluksa niya ang pagkakunan at pagkamatay ng pangalawang anak nila na si Moon ay hindi niya binanggit ang singer.

“Saktan mo lang nang saktan ang sarili mo, mamamanhid ka na rin, tapos tama na 'yan,” aniya.

"Hindi lahat nang nakikita mo totoo talaga… naniwala ako eh, 'yun yung nakita ko, naniwala ako sa nakita ko, bulag na pala ako," pahayag ni Zeinab nang tanungin siya ni Toni kung ano ang natutuhan niya sa mga nangyari.

Samantala, panoorin ang official music video ng 'Kumpisal":