Hindi na nagdalawang-isip ang Blackwater Bossing na kunin ang serbisyo ni Gilas Pilipinas 3x3 player Brandon Ganuelas-Rosser na naging overall top pick sa PBA Rookie Draft sa Robinsons Place Manila sa Malate nitong Linggo ng hapon.

Si Rosser na naglaro rin sa PBA 3x3 league ay nakahablot lang bronze medal sa 31st Southeast Asian (SEA) Games sa Hanoi, Vietnam nitong Sabado.

Naging number two pick naman ang 6'5" na si Jeremiah Gray na kinuha ng Terrafirma Dyip.

Ang number 3 at 4 pick na sinaNCAA players Jeo Ambohot (Letran Knights) at Justin Arana (Arellano University) ay pinili ng bagong Converge Fiberxers.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Si Gian Mamuyac (Ateneo de Manila University) ay pinili ng Rain or Shine sa ikalimang puwestohabang ang ikaanimna si JM Calma (San Sebastian College-Recoletos) ay kinuha ng NorthPort Batang Pier.

Kabilang sa iba pang napili sa rookie draft sinaTyrus Hill (NLEX), Javi Gomez de Liaño (Barangay Ginebra), Kurt Lojera (Blackwater), Shaun Ildefonso (Rain or Shine), Mark Dyke (Blackwater), at Keith Zaldivar (Magnolia).