Pasimpleng binara ni 'real-life Darna' Angel Locsin ang basher ni Pinoy Big Brother host Bianca Gonzalez na umintriga sa kaniya at sa iba pang mga celebrity na wala umanong tulong na ibinigay nang masalanta ng bagyong Odette ang Cebu noong Disyembre 2021.

Nag-ugat ito sa tweet ni Bianca tungkol sa demokrasya noong Mayo 10.

"Ang demokrasya 🇵🇭 Kaya't patuloy nating protektahan at pahalagahan ang ating kalayaan na pinaglaban ng mga nauna sa atin, wag natin balewalain."

Tsika at Intriga

Tsika ni Cristy: Willie, pinayuhang 'wag kumandidato; 'di raw nakinig?

https://twitter.com/iamsuperbianca/status/1523834145218072579

"Lahat tayo mahal ang ating bansa, kaya sa abot ng ating makakaya, ipagpatuloy natin ang pagtindig para sa ikabubuti ng isa't isa."

Pinasalamatan ni Bianca ang lahat ng mga Kakampink na nakasama niya sa pagtindig.

"Isang karangalan na makasama kayo sa pagtindig," aniya.

https://twitter.com/iamsuperbianca/status/1523834706411675648

May mensahe rin si Bianca tungkol sa paglaban sa disinformation na laganap ngayon sa social media.

"We need to continue to fight against the biggest threat to our democracy and society: DISINFORMATION."

https://twitter.com/iamsuperbianca/status/1523839189543886848

"Di ko alam kung paano, kung gaano katagal, at oo nakakapanghina ng loob, pero kung sama-sama tayo, we stand a chance. Kailangan natin labanan para sa mga susunod na henerasyon."

Isang netizen naman ang nag-react na may mga celebrity talagang gaya ni Angel Locsin na hindi nangingiming magpaabot kaagad ng mabilis na tulong para sa mga nasalanta ng kalamidad.

"Good luck kapag may kalamidad sa Pilipinas the likes of Angel Locsin should not even bother to help out," ayon sa pahayag ng naturang netizen.

Subalit isang basher ang mabilis na tumugon dito at pinasaringan ang mga celebrity na hindi naman daw naramdaman noong kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Odette, partikular sa lalawigan ng Cebu.

"Bakit?? Yong binagyo kami ni Odette sa Cebu sino ba tumulong? May mga 'artista' ba kuno?? LOL. Umuwi ako ng Mindanao para bumoto laking-gulat ko majority ng local candidate BBM dinadala tapos sasabihin nandaya? Helllooo??? Mahiya naman kayo oi!!!"

Agad namang tumugon dito si Angel ng '2M' o nangangahulugang halaga ng kaniyang ibinigay na donasyon para sa mga nasalanta ng bagyong Odette.

Screengrab mula sa Twitter/Bianca Gonzalez

Matatandaang noong kasagsagan ng bagyong Odette ay nagsagawa ng iba't ibang online shows at concerts ang mga celebrity na ang ang benefits ay mapupunta sa mga nasalanta ng naturang bagyo, lalo't nagkataong Christmas season din iyon.

Si Angel naman, kaya tinawag na 'real-life Darna', ay dahil sa kaniyang pagtulong at pagpapaabot ng suporta sa mga nangangailangan sa tuwing may sakuna o kalamidad. Ang recent nga ay nang magbigay siya ng food donation