Proud ang Wowowin host na si Willie Revillame, unang nakadiskubre kay Binibining Pilipinas delegate Herlene “Hipon Girl” Budol sa tinatamasa nitong tagumpay.

Ito ang highlight ng vlog ni Herlene na in-upload noong Mayo 10 sa kanyang reunion sa ilang malalapit na kaibigan at katrabaho sa show na Wowowin.

Matatandaang unang sumikat ang Kapuso comedienne bilang isang player ng isa sa segment ni Willie sa Wowowin na noo'y umeere sa GMA.

Humingi naman ng payo ang beauty queen aspirant sa batikang host. Sumentro sa pagpapakatotoo ni Herlene ang naging mensahe ni Willie.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Be yourself. Kung ano ka, kung ano ’yung sinimulan mo sa ‘Wowowin,’ ’yon ka. ’Pag tinanong ka na mag-English, meron kang interpreter. Joke lang ’yon pero be yourself,” anang host kay Herlene.

“‘I am Filipina. Gusto ko sagutin ’to na para maintindihan ng aking mga kababayan. Hindi pa naman ako winner. Gusto kong sumagot ng kung ano ako at kung anong dapat nilang maintindihan,’” tila pagbibigay ng halimbawa ni Willie sa pagsagot ni Herlene sa napipintong national pageant nito.

Nauna nang ibinahagi ni Herlene ang kanyang paggamit ng wikang Filipino para sa question and answer portion ng kumpetisyon.

Hinikayat din ng host si Herlene na panuorin at pag-aralan ang mga naunang Pinay Miss Universe titleholders sa kanilang pagsagot sa mga tanong bilang beauty queens.

Dagdag na payo ni Willie kay Herlene na huwag nang magdagdag ng manager sa magandang takbo ng kanyang career.

Inalok naman ng host ang kanyang alaga ng isang unit sa Wil Tower upang mas maging malapit ang uuwian nito sa kanyang training para sa pageant sa Araneta City sa Cubao, Quezon City.

Nagtapos ang vlog sa isang dance at singing performance ni Herlene para sa isang campaign sortie ng isang party-list.