Dalawa pang ginto ang naidagdag sa medalya ng Pilipinas sa pagpapatuloy ng 31st Southeast Asian (SEA) Games sa Vietnam nitong Sabado.
Ang ikasiyam na gold medal ay nakubra ni Margarita "Meggie" Ochoa matapos padapain ang kalaban nito sa 48kg division ng women's Brazilian jiu-jitsu sa Hanoi nitong Mayo 14.
Humablot na rin si Ochoa ng gintong medalya sa SEA Games noong 2019.
Ilang minuto matapos makuha ni Ochoa ang medalya, nanalo rin ng gold medal si Annie Ramirez sa women's 62kg sa Brazilian jiu-jitsu.
Nakahablot lang ng silver medal ang katambal ni Ochoa na si Carlo Angelo Peña nang matalo sa Thailand sa men's 62kg gold medal round.