Proud jowa ang peg ni Kapamilya star Andrea Brillantes matapos i-flex si Ricci Rivero na kabilang sa mga basketball players ng UP Fighting Maroons, na pagkatapos ng 36 taon ay nasungkit ang kampeonato at pinadapa ang Ateneo de Manila University Blue Eagles, sa championship ng UAAP Season 84 men's basketball nitong Biyernes, Mayo 13, 2022 na ginanap sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Ibinahagi ni Andrea ang mga litrato nila ni Ricci sa social media at nilagyan ito ng caption na "Congrats Champ!!"

View this post on Instagram

A post shared by Andrea Brillantes (@blythe)

Tsika at Intriga

Rita Avila, napatanong: 'Sino at ano ang sasagip sa mga Pilipino?'

Tumugon naman sa comment section ang jowa.

"Teka lang kinikilig ako," ani Ricci.

Nagpaabot naman ng pagbati ang kaniyang mga tagahanga; tila 'lucky charm' daw ni Ricci si Andrea.

Matatandaang bago ang laro ay naispatan si Ricci na nagdarasal sa isang krus.

Makakasaysayan ang MOA Arena para sa mag-jowa dahil dito naganap ang 'makasaysayang' proposal ni Ricci kay Andrea, kung puwede ba itong maging girlfriend.

Samantala, sa kaniyang Instagram account naman, masayang ibinahagi ni Ricci sa kaniyang Instagram post ang kaniyang kasiyahan. May caption itong "We the champs!!!"

Makikita naman sa kaniyang Instagram story ang pag-I love you niya kay Blythe.

Ricci Rivero at Andrea Brillantes (Larawan mula sa IG ni Ricci Rivero)