Muli na namang bumanat ang tinaguriang 'Pambansang Lalaking Marites' na si Xian Gaza, at sa puntong ito, ang 'target' naman niya ay sina Skusta Clee at Rob Moya.

Pareho kasing nasangkot sa isyu sa kani-kanilang mga karelasyon sina Skusta Clee at Rob Moya; si Rob Moya ay sinisikap umanong makipagbalikan sa kaniyang ex na si Toni Fowler at si Skusta Clee naman ay pinuputakti ng mga netizen dahil sa rebelasyon ni Zeinab Harake tungkol sa 'pambabae' umano nito na naging dahilan ng kanilang muling hiwalayan.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/12/dahil-tapos-na-ang-halalan-mga-netizen-kinuyog-binakbakan-si-skusta-clee/">https://balita.net.ph/2022/05/12/dahil-tapos-na-ang-halalan-mga-netizen-kinuyog-binakbakan-si-skusta-clee/

Matapos nito ay nag-release ng panibagong awitin si Skusta na pinamagatang 'Kumpisal' na alay raw niya kay Zeinab.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Nagpasaring naman si Xian kay Skusta Clee at sinabihan itong "Napakapangit na nga tapos babaero ka pang tukmol ka."

Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/09/xian-gaza-may-pasaring-kay-skusta-clee-napakapangit-mo-na-nga/">https://balita.net.ph/2022/05/09/xian-gaza-may-pasaring-kay-skusta-clee-napakapangit-mo-na-nga/

Sey ni Xian sa kaniyang latest Facebook post noong Mayo 12, "Ang dapat na magkatuluyan ay si Skusta Clee at Rob Moya I ship this #Robusta," aniya.

"Bagay na bagay kayong dalawa," dagdag pa ni Xian sa kaniyang comment section.

Tumugon naman dito si Rob Moya.

"Mas bagay sa'yo tumahimik ka…"

Humirit naman si Xian. Pasaring ni Xian, magaling daw na "scriptwriter" si Rob Moya.

"True. Ingay ko na masyado eh. Pero Lodi mas bagay sa'yo maging scriptwriter basta huwag lang ikaw yung aarte. Idol kita sa paggawa ng script eh. Ayan yung bagay na gusto kong matutunan sa'yo. Sa tsismis lang kasi ako magaling. Gusto ko sana eh gumawa rin ng mga scripted contents. Tipong mag-propose ako sa isang babae gamit ang billboard sa EDSA tapos batuhin ako sa noo ng Billboard ganorn pang-Bollywood ang datingan Written and Directed by Sir Rob Moya."

Banat naman ni Rob, "Sorry tinamad ako basahin paragraph mo… next time na lang."

Screengrab mula sa FB/Xian Gaza

Sa huli, nagsabihan ng "I love you" ang dalawa sa isa't isa.

Samantala, wala namang tugon o komento rito si Skusta Clee.