Dalawa pang medalya ang naidagdag sa Pilipinas matapos magpakitang gilas sa wushu sa pagpapatuloy ng 31st Southeast Asian (SEA) Games sa Vietnam nitong Sabado.

Si wushu athlete Agatha Wong ay nakakuha ng silver medal sa women's taolu taijiquan event habang si Jones Inso ay nakahablot ng bronze sa men’s taolu taijijian event.

Nasa ikalawang puwesto si Wong women's taolu taijiquan event.

Ito na ang ikalawang medalya ni Inso sa nasabing edisyon ng biennial meet dahil naibulsa na nito ang silver medal sa men's taijiquan event nitong Biyernes.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Sa kanilang social media post, kaagad namang binati ng Philippine Sports Commission (PSC) sina Wong at Inso kaugnay ng kanilang tagumpay sa nasabing kumpetisyon.