Magsasagawa ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ng reblocking at repairs sa ilang kalsada sa Metro Manila simula ngayong Mayo 13.

Sa inilabas na traffic advisory ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), dakong 11:00 ng gabi ngayong Biyernes sisimulan ng DPWH ang pagkukumpuni sa EDSA Shaw Mandaluyong City NB - innermost lane (Busway) magmula sa EDSA Shaw Blvd. (malapit sa Shaw MRT Station) papuntang Doña Julia Vargas Avenue (malapit sa SM Megamall-Building D);

EDSA Quezon City NB/ EDSA Quezon City SB - paglagpas ng New York St., Kamuning 1st lane buhat sa sidewalk at pagkalampas ng Aurora Blvd. hanggang Arayat 2nd lane mula sa sidewalk;

C-5 Road NB (4th lane) - bago Mckinley Road Makati City;

National

Catanduanes, niyanig ng 4.8-magnitude na lindol

EDSA- SB Caloocan City - bago Urbano Plata St., (2nd lane buhat sa sidewalk);

Mindanao Avenue NB Quezon City - magmula sa  Phoenix Gas Station hanggang pagkatapos ng Road 20 (2nd lane/truck lane); at Agham Road pagkatapos ng Quezon Avenue (2nd lane buhat sa center island).

Isasaayos din ang EDSA SB Quezon City - Service road 3rd lane sa South Avenue intersection at 2nd lane magmula sa sidewalk kanto ng South Avenue hanggang Kamuning Road;

C.P. Garcia Avenue Quezon City - harapan ng U.P. Ayala TBI (1st at 2nd block mula sa sidewalk);

C-5 Road Pasig City - sa kahabaan ng Pasig Blvd. Southbound harapan ng St. Ignatius de Loyola Health Care Services at malapit sa Sitel Building;

Times Street Quezon City panulukan ng West Avenue harapan ng Kowloon House; at Tandang Sora Avenue Quezon City - Visayas Avenue hanggang San Miguel Street.

Bubuksan sa mga motorista ang mga apektadong kalsada sa Lunes, Mayo 16 sa ganap na alas-5:00 ng madaling araw.

Pinapayuhan ng MMDA ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta upang hindi maabala.