Nang dahil sa pag-ibig, nagawang patayin ng 17-anyos na dalaga ang kaniyang ina sa loob mismo ng kanilang bagay sa Barangay Sag-ang, La Castellana sa Negros Oriental.

Kinilala ang biktima na si Tessie Esparagoza, 44-anyos. 

Ayon sa imbestigasyon ng La Castellana Police, natutulog umano ang ginang nang papasukin ng kanyang anak ang kasintahan nito na 17-anyos din at doon na pinagsasaksak ang biktima hanggang sa mamatay. Nagtamo ito ng mga sugat sa dibdib at kamay.

Bago ang pananaksak, pinagplanuhan pa umano ng mga suspek na lasunin ang ginang ngunit hindi ito natuloy. 

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Nabatid din ng mga pulis na tutol umano ang biktima sa relasyon ng dalawa na isang taon pa lang ang tinatagal. Umabot din sa punto na ayaw sumama umano ng dalaga sa kaniyang ina nang kinukuha siya nito sa kaniyang nobyo. Ito ang nakikitang dahilan ng mga pulis para patayin ang ginang.

Samantala, nasa kustodiya ng social welfare ang magkasintahan dahil pareho silang menor de edad.