Halos kasabay ng kainitan ng halalan noong Mayo 9 ay ang pasabog na rebelasyon ng YouTuber na si Zeinab Harake na hiwalay na sila ulit ng karelasyong si Skusta Clee o Daryl Borja Ruiz, sa Mother's Day episode ng Toni Talks ni Toni Gonzaga noong Mayo 8.

Naging emosyunal si Zeinab, 23, sa pagbabahagi ng masasakit na karanasan niya sa buhay bilang isang ina at partner kay Skusta na ilang beses na ring dumaan sa alanganin ang kanilang relasyon.

"May mga away kami mula January, pero yung away mag-asawa lang na akala ko pag nag-aaway kami kakabati kami, okay na. Hindi pala. March, doon na talaga na lagi niya na akong iniiwan sa bahay,” pagbabahagi ni Zeinab.

Harake and Darly Ruiz or Skusta Clee had a very public relationship.

National

Maza kay VP Sara: 'Hindi ikaw ang bida dito kundi ang taumbayang kinauutangan mo!'

Nagkahiwalay sila noong 2020 subalit noong Hulyo 2021 ay muling nagkabalikan. Nagkaroon sila ng anak na si Bia na isinilang noong Marso 2022.

Naging maayos naman daw ang pagsasama nila ni Daryl noong una subalit nang pumasok ang Enero 2022, dito na naman sila nagkaroon ng problema.

Nagkakalabuan na rin sila sa panahong nagdadalantao si Zeinab sa kanilang pangalawang anak na si Moon, ngunit dulot din ng stress ay nakunan si Zeinab.

“Dumating sa point na nagmamakaawa ako sa kaniya. Alam niya na buntis ako… hirap po talaga yung pagbubuntis ko kasi Moon, medyo maselan,” emosyunal na pagbabahagi ni Zeinab.

Nagmakaawa raw si Zeinab na alang-alang sa kanilang mga anak ay huwag silang iwanan ni Daryl para sa ibang babae. Ayon pa kay Zeinab, kahit hindi siya perpektong asawa ay hindi naman niya deserve ang ganoong trato mula sa singer.

Nang mapagtanto raw ni Zeinab na hindi na magbabago pa si Skusta Clee ay nagpasya na raw siyang hiwalayan ito. Kaya lang ipagluksa niya ang pagkakunan at pagkamatay ng pangalawang anak nila na si Moon ay hindi niya binanggit ang singer.

“Saktan mo lang nang saktan ang sarili mo, mamamanhid ka na rin, tapos tama na 'yan,” aniya.

"Hindi lahat nang nakikita mo totoo talaga… naniwala ako eh, 'yun yung nakita ko, naniwala ako sa nakita ko, bulag na pala ako," pahayag ni Zeinab nang tanungin siya ni Toni kung ano ang natutuhan niya sa mga nangyari.

Samantala, si Skusta naman ay nag-promote ng kaniyang bagong awitin tungkol sa pagpapatawad. May pamagat itong 'Kumpisal' na magiging available bukas, Mayo 13, na sinasabing alay raw niya kay Zeinab.

Napapaisip tuloy ang mga netizen kung promotion lamang ba ng kaniyang lalabas na awitin ang away nila ni Zeinab.

"Di bibilangin ang pagkakamali. Patawarin mo akong muli," saad sa caption.

May be an image of 1 person
Larawan mula sa FB/Skusta Clee

Narito naman ang ilan sa mga reaksyon at komento ng mga netizen:

"Ang tindi mo…"

"Gumawa ka pa ng pangit na stereotype sa mga pangit."

"Hobby mo na yata gumawa ng kanta pagtapos magloko ah."

"Wag mong idaan sa social media yung paghingi mo ng tawad. Pagkakitaan mo pa ha?"

Samantala, ang episode ng Toni Talks kay Zeinab ay number 1 trending na sa YouTube, na may 10,037,979 views na.