Inanunsyo niPhilippine National Police (PNP) Officer-in-charge, Lt. Col. Vicente Danao, Jr. ang paglalabas ng₱7,321,377,087 para sa mid-year bonus ng 222,787 na pulis.

“The dedicated funds are from the regular PNP appropriations itemized under the organization’s budget this year. The mid-year bonus is given annually and is part of the PNP's budget every year," sabi ni Danao.

Paliwanag naman ni PNP Finance Service Director, Brig. Gen. Jose Melencio Nartatez, Jr., matatanggap ang bonus sa Mayo 17 sa pamamagitan ng ATM Payroll Accounts ng mga pulis na naka-enroll sa Landbank of the Philippines.

Ang halagang ipagkakaloob sa bawat tauhan ay katumbas ng isang buwang suweldo.

National

Amihan, shear line, easterlies, patuloy na nakaaapekto sa PH

Alinsunod ito sa Tax Reform Acceleration and Inclusion (TRAIN) law, na ang alinmang bayad na lalagpas sa₱90,000 ay papatawan ng withholding tax.

Gayunpaman, ang mga tauhan na napatunayang guilty sa mga kasong administratibo at kriminal na may final at executory judgment para sa fiscal year 2022 ay hindi makatatanggap ng mid-year bonus.