Ipinag-utos na ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ang mahigpit na implementasyon ng "No permit, No rally" sa lungsod.

Nilagdaan na ni Domagoso nitong Miyerkules ang isang memorandum na nag-aatas sa Manila Police District (MPD), na pinamumunuan ni Brig. Gen. Leo Francisco, mga station commanders, mga punong barangay, at kay Bureau of Permits officer-in-charge Levi Facundo, hinggil sa mahigpit na pagpapatupad ng "Batas Pambansa 880" o "The Public Assembly Act."

Dapat aniya ay kumuha muna ng permit sa lokal na pamahalaan ang mga nagpaplanong magsagawa ng pampublikong pagtitipon sa Maynila.

Ipinag-utos din ni Domagoso kay Francisco na mahigpit na ipatupad ang mga probisyon ng nasabing batas.

National

Ex-Pres. Duterte sa mga kriminal sa Davao City: ‘Find another place!’

"Tapos na ang kampanya, tapos na ang halalan, nagdesisyon na ang tao. Now, we have to put things in right order. For the purposes of moving on at kayo ay maibalik na sa normal, 'yung normal na pamumuhay, kailangan na pong ilagay natin sa tamang perspektibo ang mga bagay bagay," anang alkalde.

"My job is to keep you safe. My job is to give you opportunity. Ang trabaho ko ay mabigyan kayo ng maaliwalas, matiwasay, at panatag na pamumuhay sa lungsod ng Maynila," paliwanag pa nito.