Bumoto na si presidential candidate Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. sa kanyang balwarte sa Ilocos Norte para sa 2022 National elections nitong Lunes ng umaga.

Dakong 7:00 ng umaga nang dumating si Marcos sa Mariano Marcos Elementary School sa Batac, kasama ang kapatid na si Irene at anak na si Sandro na kumakandidato sa pagka-kongresista sa nabanggit na lalawigan.

Tumagal ng kalahating oras si Marcos sa kanyang voting precinct.

Pagkatapos bumoto, sinalubong si Marcos ng mga supporters nito na naghihintay sa labas ng gusali ng eskwelahan

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Ang pagboto ni Marcos ay naka-livestream sa Facebook page ng UniTeam BBM-Sara.

Si Marcos ay pambatong kandidato ng Partido Federal ng Pilipinas sa pagka-pangulo.