Binigyang-pugay ng Kapuso actress na si LJ Reyes ang mga kapwa niya mommies para sa paggunita ng Mothers' Day nitong Linggo, Mayo 8, 2022.

"Paano nga ba maging isang magulang? Paano nga ba magdesisyon para sa buhay ng iba?" panimula ni LJ na mag-isang pinalalaki ang mga anak niyang sina Aki at Summer.

View this post on Instagram

A post shared by LJ Reyes (@lj_reyes)

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

"Carried them inside your body for 9 months,will be taking care of them til they can stand on their own, but you never really stop “taking care” of them. And in the very long time that you have to make decisions on their behalf, paano nga ba piliin ang tama? Wala naman handbook for parents. Wala naman iisang tamang paraan kung paano maging magulang. There could be a lot of things that is uncertain and not ideal, but one thing remains certain and true— that LOVE would hold you altogether."

"Narealize ko sobrang daming ups and downs ng buhay. Pero ang importante maramdaman nila na mahal ko sila in every sense of the word. Like how I would always tell them, home is where we are together. At sila lang ang kelangan ko to keep me going."

"We love because God loved us first. And I experience God’s love through them. Kaya naman naguumapaw yung pagmamahal na kaya kong ibigay sa kanila. Hindi ako perfect, pero ang alam ko lang mahal na mahal ko sila— buong buo, siksik na siksik, umaapaw."

Si Aki ay anak nila ng dating karelasyong si Paulo Avelino at si Summer naman ay kay Paolo Contis, na naging usap-usapan ang kanilang hiwalayan noong 2021.