Nagpahayag ng pagsuporta kay VP Leni Robredo si Kapamilya actress at vlogger Ivana Alawi ngayong Sabado, Mayo 7, na makikita sa kaniyang social media account.

Makikita sa litrato na nakasuot siya ng pink na damit at naka-L sign.

View this post on Instagram

A post shared by Ivana Alawi (@ivanaalawi)

Tsika at Intriga

Doc Willie tapos na sa 1st round ng chemo: 'Pasensya na wala na 'kong buhok...'

"Walang huli. Walang mali. Hangga’t pwede pa. Hanggang kaya mo pa," wika ni Ivana.

"Kaya nating gumawa ng tama. Kaya kong isigaw bilang Ivana."

"Ako po si Ivana Alawi at ang presidente ko ay si Leni Robredo."

"Sama-sama tayong manalo. At ipanalo ang akin ding Presidente… LENI ROBREDO."

Isa lamang si Ivana sa maraming celebrities na nagpahayag ng pagsuporta kay VP Leni at Sen. Kiko para sa halalan.

Isa si Ivana sa mga celebrity-vlogger na nangunguna sa may pinakamaraming followers at subscribers sa social media platforms. Sa kaniyang Facebook account ay may mahigit 19M ang kaniyang followers, sa Instagram naman ay 7.9M, sa TikTok ay 6.6M, at sa YouTube channel ay 15.4M subscribers.