Muling iginiit ng tinaguriang "Total Performer" at first-time voter na si Darren Espanto ang kanyang suporta sa kandidatura nina Vice President Leni Robredo at running mate nitong si Sen. Kiko Pangilinan.

Sa isang Instagram post, Sabado, kalapit ang mga larawan noong Bulacan rally ay nanindigan ang Kapamilya singer-actor para sa kanyang unang boto sa Lunes, Mayo 9.

“Ako po ay naniniwala sa tambalang Leni at Kiko para sa maayos at maunlad na kinabukasan,” mababasa sa post ni Darren.

Dagdag niya bilang isang kabtaan at first-time voter, gampanin niyang masiguro na may maayos na kinabukasan para sa lahat.

“I’m sure that through Ma’am Leni and Sir Kiko, this will be possible,” aniya.

Nauna nang sumampa si Darren sa ikalawang rally ni Robredo sa Bulacan noong Abril 27.

Ngayong Sabado, Mayo 7, magtatanghal muli ang Total Performer para sa Miting De Avance ng tandem sa Ayala Avenue sa Makati.