Matapos sorpresang magkatagpo sa isang political rally sa Quezon City kamakailan, muli na namang umugong ang umano'y napipintong balikan nina Barbie Imperial at Diego Loyzaga.

Sa showbiz update ni Ogie Diaz kasama si Mama Loi nitong Sabado, Mayo 7, naging usapan ng tila pagiging komportable na sa isa’t isa nina Barbie at Diego matapos ang napag-usapang hiwalayan noon.

Pag-amin naman ni Diego, magkaibigan sila ngayon ng aktres. Gayunpaman, hindi nito sinasara ang posibilidad ng kanilang comeback.

“Friends kami. Hindi naman ako nagko-kontrol ng universe. Kahit ano pwede naman maaaring mangyari. Pero sa ngayon friends kami,” ani Diego.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“I’m happy loving myself,” dagdag ng aktor.

Nilinaw din ni Diego na wala siyang sinusuyo sa ngayon at mas nakatutok siya sa kanyang sarili at sa kanyang career.

“Ayaw ko muna. Mahalin ko muna sarili ko. Ako muna. Work muna,” anang aktor.

Kumpiyansa ring sinagot ng aktor ang naging maayos na hiwalayan nila ni Barbie na nagkaroon umano ng closure nang bumalik siya sa Pilipinas.

Dito aniya marami siyang natutunan sa relasyon.

“If it’s not a win, it’s never a loss. You always learn,” sabi ng aktor.

Para naman kay Ogie, ang biruan ng dalawa sa naganap na rally kung saan isang kanta sana ang iaalalay ni Diego sa aktres ngunit nauna itong umalis, ay senyales na maayos na muli ang kanilang relasyon.

Huling payo ng celebrity manager, magpahinga muna ang puso ng dalawa at i-enjoy ang buhay single.