Matapos maging usap-usapan kamakailan, kinumpirma na sa wakas ni Pia Wurtzbach ang engagement nila ng boyfriend na si Jeremy Juancey.

Sa isang Instagram video, gabi ng Biyernes, ibinahagi na ng ikatlong Pinay Miss Universe ang magandang balita sa fans.

Agad ding bumuhos ang pagbati mula sa kapwa kaibigan sa pageant at showbiz industry.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Si Jeremy ay kilalang founder at CEO ng social media-led creative at strategic travel community na “Beautiful Destination.”

Nauna nang umugong ang engagement ng dalawa kasunod ng ibinahaging grand date ni Pia sa Instagram kasama si Jeremy noong Abril.

Napansin kasi ng netizens ang tila pagtago ni Pia sa kanyang daliri na hinuha nila ay may suot nang engagement ring.