Kinatutuwaan ngayon sa social media ang unang paghaharap ng dalawang 'Toni' na sina Toni Fowler at Toni Gonzaga, ayon sa latest Instagram post ni Alex Gonzaga.

Sa naturang viral video, makikita ang Gonzaga sisters na nagli-lip synch at pa-awra-awra sa awiting' FF' o Fake Friends.

View this post on Instagram

A post shared by Alex Gonzaga-Morada (@cathygonzaga)

Tsika at Intriga

11 na buwan sa kulungan: Ricardo Cepeda, pansamantalang nakalaya

"Ang dalawang TONI nagkita at nagpa-cool lang ako," saad ni Alex sa kaniyang caption.

Ang ikinagulat ng lahat, nang pabirong 'idunggol' ni Toni ang 'malaking papaya' niya sa mukha ni Alex.

Marami tuloy ang pabirong nag-alala kay Alex, na kilala sa pagiging kalog at game sa kalokohan.

"Okay ka lang ba Alex? Masakit ba ang fez mo?"

"Musta mukha mo Alex? Nasuso ka diyan ah."

"SINAMPAL NG SUSO ANG MUKHA NG ATE @cathygonzaga, SANA OKAY KA LANG ATE HAHAHAHA."

Si Toni Fowler ay kilalang social media influencer at kontrobersyal dahil sa kaniyang buhay-pag-ibig at pagpapasailalim sa 'Salamat po, Dok'. Dumaan din siya sa proseso ng 'pagpapasikeps' o 'Thermiva'.

Basahin: https://balita.net.ph/2021/08/09/toni-fowler-nagpasikeps/">https://balita.net.ph/2021/08/09/toni-fowler-nagpasikeps/

Nagkita ang dalawang Toni para sa shooting ng 'Toni Talks'.

Samantala, sa kaniyang IG post naman ay ibinahagi ni Toni Fowler na isa siyang BBM supporter. Ni-lip sync niya ang pag-awit at pag-rap ni Pinoy rapper Andrew E.

Makikitang nakipagkulitan sa kaniya si Toni na nag-peace sign pa.