Inamin ni Kapuso actor Paul Salas na 'dating' na sila ni Kapuso actress Mikee Quintos, sa isang episode ng morning show na 'Mars Pa More' nina Camille Prats, Iya Villania, at Kuya Kim Atienza.

Nauntag kasi si Paul sa program segment na 'Pasabog Na Chika' at dito nga ay inamin ng Kapuso hunk na nasa dating stage na sila ni Mikee.

"Meron. Ano kami…hindi naman kami nagmamadali pero dating kami. Dito ko lang sinabi ‘yan sa Mars!”

Unang umusbong ang chikang nagkakamabutihan na sila nang masipatan umano silang nagbabakasyon sa isang beach resort noong Disyembre 2021, kasama ang kani-kanilang mga pamilya.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Matatadang nagkasama sa teleseryeng 'The Lost Recipe' ang dalawa noong 2021.

Si Paul Salas ay ex-boyfriend ng Kapuso actress na si Barbie Imperial.