May babala pa lang natanggap mula sa mga netizen si Miss Universe Philippines 2022 Celeste Cortesi tungkol sa kaniyang jowang si Mathew Custodio, lalo't tila may sumpa raw ang korona ng Miss Universe pagdating sa usaping pag-ibig.

Simula kasi sa mga naunang beauty queens noon pang Binibining Pilipinas gaya nina Miriam Quiambao, Janine Tugonon at Catriona Gray, hanggang sa batch ng Miss Universe Philippines nina Rabiya Mateo at Beatrice Gomez eh nauwi sa hiwalayan ang mga relasyon nila. Sa ngayon, may bago na silang lovelife, maliban kay Bea na wala pang napapabalitang bagong karelasyon.

Tila may sumpa raw ang korona ng pagiging Miss Universe Philippines pagdating sa usaping pag-ibig. At dahil bagong MUPH na nga si Celeste, marami ngayon ang abangers sa itatakbo ng relasyon nila ng jowa.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Naitampok pa ito sa chismis Facebook page na 'Isyus'. Narito ang ilan sa mga komento ng mga netizen:

"Celeste mag-move on ka na ngayon pa lang."

"Papunta pa lang tayo sa exciting part mars hahaha."

"Ipahiram mo muna sa akin Mareng Celeste ako na bahala para maka-focus ka sa susunod mong laban."

"Kinakabahan ako para sa'yo mars…"

Samantala, sa mga IG post ni Celeste, may mga netizen din na ganoon ang komento.

"Bro, you should start to move on now!!! Maghihiwalay na daw kayo kasi naging Miss Universe na po siya."

"Huwag sana kayo maghiwalay…"

Samantala, wala pang tugon o reaksyon si Celeste o ang jowa niya tungkol dito.