Isang 38-anyos na vendor ang namatay nang pagbabarilin ng isang hindi kilalang suspek na sakay ng bisikleta sa Taguig City, nitong Mayo 2.

Dead on the spot ang biktima na kinilalang si Gil Cahil, 38, may kinakasama, driver/vendor, at residente sa Barangay Katuparan, Taguig City, sanhi ng tinamong tama ng mga bala sa katawan.

Sa ulat ng Taguig City Police, naganap ang pamamaril sa harapan ng isang convenience store, Triumph Visayas St., Brgy. South Signal, Taguig City, dakong 2:00 ng madaling araw ng Lunes.

Sa kuha ng CCTV, makikita na ang armadong suspek na sakay ng bisikleta na tumawid sa kanto ng Electronics Road sa Visayas St. nang bahagya niyang nilampasan ang dalawang lalaki na nakatayo sa tabi ng isang nakaparadang tricycle.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Dito huminto at bumaba ang suspek sa bisikleta bago pinagbabaril ng malapitan ang biktima.

Agad na sumakay sa bisikleta ang suspek at muli pang kinalabit ang gatilyo para barilin ang biktima subalit hindi na pumutok ang baril ayon na rin sa pahayag ng saksi na si Peter Besana, 29, isang tricycle driver. Mabilis na tumakas ang suspek sa hindi batid na direksyon dala ang baril na ginamit sa krimen.

Nakasuot ng itim na jacket at puting shorts ang lalaking suspek.

Samantala, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng awtoridad upang matukoy ang pagkakakilanlan at motibo ng suspek.