Isa sa mga napag-usapan ng tambalang Cristy Fermin at Romel Chika sa May 2 episode ng 'Cristy Ferminute' ang pag-aakala raw ng ilan na 'nanganak na' si Popstar Royalty Sarah Geronimo, sa haka-hakang inilihim umanong pagbubuntis sa anak nila ng mister na si Matteo Guidicelli.

"Ang akala pala ng mga kaibigan ko, lihim na lihim ang pagdadalantao ni Sarah Geronimo, akala pala nila itinago… biglang nabasa nila sa post, sa social media at sa mga pahayagan," sey ni Cristy.

Ang tinutukoy na 'nanganak' pala ay ang alagang kabayo ng mister ni Sarah na si Matteo Guidicelli.

Bumili na raw ng malawak na bukirin sa lalawigan ng Laguna ang mag-asawa.

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

"Nakakatuwa, nanganak na nga po ang kanilang kabayo, na pinangalanan na nga po ni Sarah Geronimo ng 'Maple'," dagdag pa ni Cristy.

Mababasa nga sa Instagram post ni Matteo noong Abril 29 ang tungkol sa panganganak ng kanilang kabayo noong Abril 28, 2022.

"April 28, 2022 2100 our foal was born! Sarah named her Maple! Welcome to the world Maple!!" saad sa caption. Ibinida rin ito ni Matteo sa kaniyang Instagram story.

Noong Abril 25, ibinida ni Matteo ang kaniyang horsebackriding sa alagang si Azul.

"Got on Azul bit less and bareback after a few weeks. He started off as a nervous and aggressive horse. He is taking baby steps to becoming an obedient boy. He’s got a great spirit in him! Anyone can learn, just takes a little patience and understanding," ani Matteo.

Going back to Cristy, isa raw patunay ito na talagang sikat na sikat si Sarah at hindi gumagawa ng eksena at kontrobersiya para mapag-usapan, dahil kahit nasa showbiz hiatus ito ngayon, eh talaga namang pinag-uusapan pa rin at trending pa sa social media.

Kagaya ngayong araw, trending ang hashtag #SarahGeronimo dahil na-feature sila ng mister sa 'Tatler'. Makikitang nakasakay si Sarah sa isang kabayo habang nakaalalay naman sa baba si Matteo.

Noong mga nakaraang araw din, inaantabayanan ng lahat kung sino ba ang i-eendorso niyang kandidato. Naging matunog ang usap-usapang isa siyang Kakampink, bagay na itinuwid naman ng Viva Artists Agency.