Mismong si Aksyon Demokratiko Presidential candidate at Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ang nanguna sa pagdiriwang ng Eid-Al Fitr sa Kartilya ng Katipunan sa Bonifacio Shrine nitong Lunes, Mayo 2.
Ang naturang aktibidad ay dinaluhan rin ng may 10,000 miyembro ng Muslim community mula sa iba't-ibang panig ng Metro Manila, na nagsama-sama para manalangin.
Nakiisa rin sa selebrasyon sina Muslim Affairs head Shey Sakaluran Mohammad, tourism chief Charlie Dungo at ng kanyang senatorial candidate Samira Gutoc ng Marawi.
Sa kanyang mensahe, kinilala ng alkalde ang papel na ginagampanan ngMuslim community sa pag-unlad ng lungsod, na naging tahanan nila sa loob ng 500 taon na.
“We welcome you sa lungsod na inyong tahanan at bilang pag-alala sa mga mahal nating ninuno sa Maynila, 500 taon nang nakakaraan… mga ninuno gaya nina Rajah Bago, Rajah Lakalandula at Rajah Soliman sa Maynila,” sabi ni Domagoso.
Samantala, tiniyak naman ng host na ang mga Muslim ay nasa likod at nananatiling sumusuporta kay Domagoso.
“Ang mga Muslim po sumusuporta sa ‘yo ay mananatili hanggang sa dulo ng labang ito,” pahayag pa ng host.
Sinabi ni Mohammad na ang pagtitipon kung saan ang mga dumalo ay umabot hanggang Universidad de Manila at the LRT areas, ay hosted ng Manila Muslim Affairs sa pakikipagtulungan ng Imam and Ulama Council of the Philippines , Mohammad Al Ryan Mosque.Philippine Khutbahat Imam Masjid League of the Philippines, Bgy 384 Quiapo Manila sa ilalim ni Chairman Khalil Pundoma, Manila Islamic Cemetery & Cultural Hall at ng Imam Council of the Philippines.
Tiniyak rin ni Domagoso sa lahat ng mga Muslim na nagsidalo sa Maynila ang lahat ay pantay-pantay kahit na ano pang ang iyong kasarian, relihiyon, politikal na paniniwala atestado sa buhay.
“Sana, kayo ay patuloy na makapamuhay nang mapayapa, maunlad at malusog at alam ko na ‘yan din ang dalangin n’yo kay Allah.We want to make you feel that you belong to the city of Manila as members of the community, wherein tayo ay nagtatag ng isang Muslim cemetery,” dagdag pa nito.
Binanggit din ng presidential candidate kung paano nagkaroon ng problema ang mga Muslim sa paglilibing ng kanilang mgapatay, dahil na rin sa laki ng gastos sa pagbibiyahe ng bangkay patungo sa kanilang probinsya upang maisagawa lamang ang wastong ritwal ng paglilibing.
“Marami sa kanila, nahihirapan ang mga kaanak sa paghihimlay ng mga nasawing mahal sa buhay kaya’t ating itinatag ang Muslim Cemetery,” sabi pa ni Domagoso.
Ang Maynila ang tanging lungsod na nagtayo ng Muslim Cemetery at matatagpuan sa loob ng Manila South Cemetery.
“Hangad ko ang tagumpay ng inyong mga kahilingan sa May Likha na nawa’y biyayaan kayo…mabuhay mga kapatid na Muslim sa lungsod ng Maynila.Allahu Akbar!!” paulit-ulit na pahayag ni Domagoso na ikinatuwa ng libo-libongMuslim.
Ang Eid Al- Fitr, na deklaradong pista opisyal sa bansa, ay hudyat ng katapusan ng pag-aayuno o fasting sa panahon ngRamadan at pinagdiriwang ng lahat ng Muslim sa buong mundo.