'Shot puno!'

Viral ngayon sa social media ang pagtagay ng alak ng Kapamilya aktres na si Barbie Imperial habang nagca-caravansa Pasig City noong Mayo 1.

Shinare ng aktres sa kanyang Facebook page ang isang video na inabutan siya ng isang shot ng alak at chaser.

Hindi naman tumanggi si Barbie at game na game na kinuha ang shot.

Shinare pa ng aktres ang gusto niyang chaser ngunit angibinigay sa kaniya ay nasa baso ng cup noodles.

"Sarap nung chaser, lasang bulalo," pagbibiro pa ng aktres.

Umani ang kanyang mga post ng mga nakakatawang reaksyon mula sa mga netizens.

Naging matunog ang pangalan ni Barbie dahil sa paghihiwalay nila ng aktor na si Diego Loyzaga.

Samantala noong Abril 1, 2022, iginiit ng aktres na si Barbie Imperial na hindi sila nagkabalikan ng dating nobyo.

“Okay po kasi kami. Hindi naman po kami magkaaway pero hindi naman po kami nagbalikan. Friends lang,” ani Barbie

Basahin:https://balita.net.ph/2022/04/01/barbie-imperial-hindi-nakipagbalikan-kay-diego-loyzaga-friends-na-lang-daw/